punyeta.
martes. sumakit na naman ang ulo ko. ewan ko ba, tuwing tuesday ng hapon na lang laging parang binibiyak ang ulo ko. last time nakdagdag pa si cuevas ('yung tech writing prof ko na pustiso na ang ngipin at tingin ko eh silahis pero meh anak, then again you can be gay and have kids, can't you?). leche. leche s'ya. ang tindi ng kirot sa sintido 'pag naririnig ko s'yang magbigay ng mga sangkatutak n'yang assignments. sabi nga ni marie, "i'm headache!" feeling ko tuloy minsan hindi lang si harry and meh konek kay you-know-who. 'lammo 'yun?
uwian ko na. 'di ko na binalak pang pasukan si cuevas this time. so technically, uwian ko na. yey. kaso naulan. peste, kaninang pag-alis ko ng bahay tirik na tirik ang araw ta's ngayon uulan? anong klaseng weather meron ang pilipinas? imagine, 21 years na 'ko dito pero 'di ko pa rin ma-memorize ang takbo ng panahon. ano na lang sasabihin ni ernie? baron?
isinusumpa ko ang araw; mahal ko ang ulan. pero naman, 'yoko din ng nagbibitbit ng payong! hassle times 2. cubed pa. hay. walang choice kun'di sumugod. hinayaan ko na sila olan at khriska dun sa hot pink na payong nila. mahal ko naman ang ulan. sana lang mahalin din ako ng ulan. at bigyan ng warning kung kelan n'ya na-trip-ang mag field trip sa earth.
pagbaba ko sa fx, naulan pa rin. lumakas pa 'ata. fuck. medyo meh kahabaan pa lalakarin ko, 'di kakayanin ng tonsil kung susugod. mukhang magtatagal ako sa ilalim ng lrt ah. hala, sige, hintay. hintay lang. titila din yan. hintay pa. pasensya. kaya yan. konti na lang. tangingang shet. nadaanan na ko ng lahat ng kulay at klase ng payong at lahat pero 'di pa rin natila. two minutes na lang at babaha na sa taft. oras na para sa plan b.
ayun si aleng tindera, pasulyap sulyap sa'kin. kung di lang naulan, sasabihin kong meh pagnanasa s'ya sa'kin, pero hindi. labas akong singkwenta. malutong. "ate, pabiling payong!" smile si aleng tindera. benta ang huling payong n'ya ng walang ka-effort-effort. "50 lang, 'nak." hmm. mukha namang desente ang estado ng payong ni ate. divisoria o baclaran? pagbukas ko ng color lumot green na payong, what-the-fak. parang minsang gamitan lang at 'di na ulit s'ya magbubukas. daig pa ang diaper sa pagiging disposable. goodluck naman sa'kin. ok lang. at least, nawaglit sa isip ko na masakit pala ang ulo ko.
lakad. iwas sa kulay jebs na tubig na naiipon unti-unti sa mga biyak sa kalsada. eww. pasok ako sa nadaanan kong net shop. kelangan mag-research para sa pol gov. ano daw ang reaksyon ko sa naging hatol sa kaso ni erap. since hindi naman ako fan ni erap, pelikula o politika, todo search naman ako sa google. bahala na. pamamanghain ko na lang si sir gamit ang aking incredible vocab skills. o di ba. ang sipag kong gumawa ng assignment kahit madyo basa ang medyas at masuka-suka sa sakit ng ulo. kung alam ko lang na 'di pala papasok si sir kinabukasan. pendejo.
nakauwi akong bahay sa wakas. tinapos 'yung pol gov at naprint. kinabukasan na ng mapansin kong nawawala 'yung bago kong payong. naiwan ko 'ata sa net shop, 'di na kasi naulan ng pag-uwi ko. ni hindi ko naisip na balikan pa 'yung payong dun. kahit nagde-decompose na at lahat, sigurado akong napag-interesan na 'yun ng mga kagaya kong tamad magdala ng payong. o kaya pinick-up na ng isang bata para ibente dun kay aleng tindera ng payong. aba't recyclable din pala 'yung payong ko. hay. sayang 50. isang meal ng shark's fin din 'yun sa pao tsin. free iced tea pa kung sa school ako nabili.
ang tanong: mahal ko pa ba ang ulan? oo naman.
1 comment:
uli uli,
wag kang papaakit sa tindera ng payong...
hahaha
yan, ang laking achievement sa'yo
hahaha
hehehe
Post a Comment