Wednesday, May 05, 2010

wag paghinayangan ang slurpeeng natapon

nabili akong slurpee. may computer print-out sign na nakapaskil sa mismong slurpee machine:

Pakiusap. Huwag po ninyong papaapawin ang baso. Please lang.


mukhang rindi na ata ang staff nila sa pagpunas at pag-mop sa mga natatapong makukulay na yelo. dahan-dahn ako sa pagpindot para lumabas ang kulay pink at malagkit na (yum) slurpee at nanigurado na may isang sentimetrong distansya sa pagitan ang dulo ng cup at ang ng slurpee.

nagpunta ako sa counter. people watcher ako kaya ang tatlong tao sa pila sa harapan ko ang napagdiskitahan kong panoorin habang nagbabayad sila. hotdog. napkin. kulay orange na slurpee. at mabenta ang slurpee. mainit nga naman sa labas. nang ibaba ko na ang slurpee sa glass counter para magbayad, ampowtah, overflowing ang pink sa kamay ko, sa lapag, at sa salamin. parang buhay ang slurpee na lumaki bila ng isang pulgada at naungusan ang height ng baso gaya ni erap kay villar sa survey.

anong sabi ko kay kuyang cashier?

"Hala kuya! Hindi yan ganyan kanina! Mag-isang lumalabas yung slurpee nyo sa baso!"


tinginan ang mga tao. defensive?

at bakit nga ba ayaw ng pink na slurpee sa baso nito? dahil ba ito ay kulay blue?

No comments: