Tuesday, December 04, 2007

skipping

Leche yang SA sa CL16. Nabaliw ako sa kanya.

Una: Sinabi ko na ngang bukas na pasahan, desperado na 'ko at lahat, wala pa rin. Kamura-mura s'ya. Akalain mong makiki-save na lang ng sarili kong gawa (project sa DBMS) sa flash drive ko, naginarte na. Nagsuplada. 'Di naman kaputian ang ngipin. Leche.

So given na na disabled 'yung usb port sa terminal ko (actually, mas tamang term ata dun ay sira), at least man lang sana pumayag s'yang sa terminal na lang n'ya i-save. Ayaw pa rin. May network naman dun malamang, Computer Lab yun. Hello.

Pangalawa: Nakita ko si Marcelo, kaklase ko sa DBMS, naghahanap ng diskette. Bakit 'kako. Magsa-save daw s'ya ng project (one and the same) sa CL16 kasi 'di pwede and usb. What? Pwede pala ang diskette 'di man lang sinabi sa'kin nung SA? Peste talaga. Basag na ba eardrums n'ya kakasalpak ng headset sa mga tenga n'ya at 'di n'ya ko narinig nung sinabi kong desperado na ko?

Bili akong diskette. Buti tig-limang piso lang dun sa mga net shop na nagkalat sa San Marcelino. Pero 'wag ka, pagdating kong Cl16, walang tao. Asan na kaya nakipaglandian 'yung babaeng 'yun?

Pasok muna 'ko. Todo reklamo pa ako tungkol sa SA sa CL16 sa lahat ng nakikita kong kaklase. Tango lang sila. Sabi ni Isabel, isa ko pang classmate sa DBMS, dahil daw may phobia ata si SA sa memory stick, pwede daw magpa-print na lang CL16 basta may bond paper ka. So pwede rin pala 'yun? 'Nak ng tokwa. Anong part ba ng desperado na ko and 'di n'ya na-gets?

Naasar talaga ko. Sana man lang nag-offer s'ya ng ibang solusyon para ma-save ko 'yung project. Or at least man lang nagpakita s'ya ng pakikiramay. Kahit facial expression lang ok na sa'kin eh. Pero wala. Natawag pa s'yang SA, ang sama naman ng pakikitungo n'ya sa mga estudyante ng lab na 'yun. Mas mabait pa yung mga SA sa canteen no. Kahit mahirap trabaho nila, sila nangiti, nagtatanong, nakikisama.

Dun sa SA, don't act like you're above other people merely because they need something from you, because you're not. You are so not. Circumstances say I go to you now, but if it was otherwise, I wouldn't give a fuck if you burn in hell.

2 comments:

Anonymous said...

easy little angel....... wag palalabasin ang sungay.....

Anonymous said...

d k nmn mxadong galit no?:)
mam raqz and ron